Sa magkasunod na araw, hindi humigit sa 10,000 ang nadagdag sa bilang ng mga naitalang COVID 19 cases sa bansa.
Ngayon araw, Oktubre 6, 9,968 ang nadagdag kayat sa kabuuan ay 2,622,917 COVID 19 cases na ang naitala sa bansa simula noong nakaraang taon.
Sa bilang, 112,807 o 4.3 porsiyento ang aktibong kaso at sa bilang 76.7 porsiyento ang may mild symptoms, 13.9 porsiyento ang asymptomatic, 1.2 porsiyento naman ang nasa kritikal na kalagayan, 2.8 porsiyento ang may severe symptoms at 5.49 porsiyento ang moderate condition.
Sa dalawang sunod na araw ay wala din naiulat na namatay, bagamat 133 lang ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling.
Pag-amin ng DOH, ito ay bunga pa rin ng nararanasang isyung teknikal sa COVIDKaya data system.
MOST READ
LATEST STORIES