Sa kauna unahang pagkakataon, nagtayo ang Armed Forces of the Philippines ng isang komprehensibong monitoring center para sa national elections.
Ayon kay Capt Frank Sayson, Deputy Chief ng AFP Public Affairs Office, bunga ito ng kanilang mga natutunan sa mga nagdaang balikatan exercises o joint military drill ng pwersa ng Pilipinas at US.
Ani Sayson, malaki ang naitutulong ng isang komprehensibong monitoring center upang makapag desisyon ng mabilis at detalyado ang mga matataas na opisyal ng militar sa mga sitwasyong nangangailangan ng agad na aksyon.
Sa pamamagitan nito, nagiging centralized ang komunikasyon at nailalahad sa iisang lugar lamang ang mga datos na kailangan.
Ang national election monitoring center ng AFP ay mananatili sa Kampo Aguinaldo hanggang sa matapos ang bilangan ng mga boto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.