Oil price hike dahil sa pagbaba ng COVID 19 cases – DOE

By Chona Yu October 06, 2021 - 04:20 PM

 

Ang pagtaas ng halaga ng mga produktong-petrolyo ay bunga ng pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID 19 sa bansa.

 

Ito ang sinabi ni Energy Asec. Gerardo Erquiza Jr., at aniya senyales ito na unti-unti nang nakakabangon ang bansa sa nagpapatuloy na pandemya.

 

Aniya kailangan ang enerhiya para sumigla ang merkado at kalakalan.

 

“Basically, kasi una itong COVID scenario natin, medyo nagkakaroon na ng vaccination at ang Delta variant na-solved na, nagkakaroon ng kumpiyansa ang bawat bansa na bumalik sa economic activities. Kaya lumalago ang ekonomiya, gumagalaw na ang ekonomiya at kapag ang ekonomiya ang gumalaw kailangan natin ng energy. At ang energy na talagang kailangang dito lalo sa pag-transport ng ating mga produkto, mga bagay-bagay ay kailangan natin ng gasoline at oil, ” paliwanag ng opisyal.

 

Dagdag pa niya,sa pagtaas ng pangangailangan ay tumataas ang presyo at ito ay bunga na rin ng suplay.

 

 

“So, , bottom line po, malaki ang demand natin kulang iyong supply and normally pag ganoon ay nagmamahal po ang presyo ng produkto kaya’t tumama rin po dito sa oil ho natin,” sabi pa nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.