Sinabi ni Bayan dela Cruz, na kakandidato sa pagka-konsehal ng Taytay, lumalawak pa ang kanilang organisasyon dahil marami ang naghahanap ng kasagutan at solusyon ng mga maralita.bayan.
Naniniwala sina dela Cruz at Mendoza na magkakaroon ng katuparan ito sa pamamagitan nang pag-akda ng mga batas na magtataguyod sa mga maralitang taga-Taytay.
Ayon naman kay Noli Mendoza, ang pangulong ng grupo, layon ng ‘Tunay na Pagkalinga sa Bayan ng Taytay’ na magkaroon ng maayos na tirahan at magkaroon ng sariling lupa ang matagal ng naninirahan sa
“Maraming beses ng ginagamit ang mahihirap namin kababayan, na tuwing sasapit ang eleksyon, ay makakarinig ka ng matatamis at magagandang pananalita sa mga pulitiko, pangako dito, pangako dun. Subalit kapag naka-upo na, nalilimutan at hindi na ito natutugunan, ” sabi ni Mendoza.
Bukod sa pabahay at lupa, tutugunan din ng grupo ang iba pang suliranin at problema tulad ng trabaho, hanapbuhay at negosyo na naapektuhan ng pandemya.