Tambalang Ping Lacson – Tito Sotto naghain ng kanilang COCs
Inihain na nina Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo para sa 2022 elections.
Nasunod ang kanilang unang abiso na maghahain sila ng COC ng alas-11 ng tanghali sa Sofitel Harbor Garden Tent.
Ang dalawa ang unang nagdeklara ng kanilang pagkandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa noong Setyembre 8.
Si Lacson ang namumuno sa Partido Reporma, samantalang si Sotto naman ang chairman ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ibinahagi ni Sotto na sobra pa ang bilang na nasa kanilang ‘senatorial line up’ bagamat aniya kasama na dito ang mga kapartido niyang sina dating Sens. Francis Escudero, JV Ejercito at Loren Legarda, na pawang naghain na rin ng kanilang COCs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.