Matapos ideklara ang pagtakbo sa pagka-alkalde ng Maynila, naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Vice Mayor Honey Lacuna.
Sinabi ni Lacuna na handa siyang harapin ang mga hamon sakaling palarin na maging kauna-unahang babaeng alkalde ng lungsod.
“Mga Batang Maynila, samahan po ninyo ako. Gumawa po tayo ng isang bagong kasaysayan sa Lungsod ng Maynila. Bigyan natin ang kapitolyo ng ating bansa ng isang pinuno na may puso ng isang ina, pagmamalasakit ng isang doktora,” sabi ni Lacuna sa pagdeklara niya ng kanyang kandidatura.
Nangako din ito na itutuloy ang lahat ng mga nasimulang proyekto ni Mayor Isko Moreno Domagoso.
Magiging running-mate ni Lacuna si Manila Rep. Yul Servo.
MOST READ
LATEST STORIES