Lalaking nanakit ng isang estudyanteng babae sa isang viral video kilala na

Mike-Mushi-830x450
FB pic

Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang paninigaw at panununtok ng isang lalaking pasahero sa kapwa pasaherong babae na isang estudyante sa loob ng pampublikong sasakyan.

Kuwento ng Facebook user na si Soy Gonzales sa kanyang post, sumakay ang nasabing lalaki kasama ang kanyang asawa sa Novaliches Quezon City at pag bukas pa lamang ng pinto ng sasakyan ay agad na nitong sinigawan ang estudyante na nakapuwesto sa gilid ng pintuan.

Habang nasa loob na ng sasakyan, hindi pa rin aniya tumitigil sa paninigaw ang nasabing lalaki at nagrereklamo pa ito na pinapahirapan sila ng kanyang asawa dahil sa puwesto ng estudyante sa sasakyan.

Dito na aniya sumagot ang estudyante at sinabi nito na pumuwesto siya sa gilid ng pintuan dahil malapit na siyang bumaba. Hindi pa nakuntento ang nasabing lalaki sa ginawang paninigaw at bago bumaba ito sa sasakyan, sinuntok pa nito ang babaeng estudyante ngunit ayon kay Gonzales, sa balikat lamang ito tumama.

Minura din aniya ng lalaki ang estudyante at pasigaw na sinabing malaki ang problema nito.

Dahil agad na naging viral ang video, isang Facebook user ang nagbigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng nasabing lalaki.

Nakilala ito sa pangalan na “Michael Musni Arellano” na naninirahan sa North Olympus, Novaliches sa lungsod ng Quezon.

Bukod sa video, viral na rin ngayon sa social media ang larawan ni Michael at maging ang kumpletong address ng kanyang tirahan.

Read more...