DOE pinag-aaralan ang pagbibigay ng ayuda dahil sa epekto ng mataas na presyo ng langis
Para maibsan ang epekto ng mataas na halaga ng langis sa pandaigdigang merkado, pinag-aaralan ng Department of Energy na magbigay ng subsidiya sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Ito ang sinabi ni Atty. Rino Abad, director ng DOE – Oil Industry Management Bureau at aniya ikinukunsidera na ang pagbibigay ng subsidiya matapos na rin humataw sa $81 kada bariles ang halaga ng langis.
Ngunit paglilinaw din ni Abad ang ‘cash assistance’ ay kailangan din ipaliwanag sa Kongreso para sa alokasyon ng pondo.
Binanggit ng opisyal na sa pagpapatupad ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law, nagbigay ng subsidiya ang LTFRB sa pamamagitan ng Pantawid Pasada Program.
Gayundin aniya, tumanggap din ng ayuda ang mga operator at tsuper ng pampublikong sasakyan dahil sa pandemya sa pamamagitan naman ng Bayanihan to Heal as One Act o Bayanihan 1.
Nanawagan naman si Energy Sec. Alfonso Cusi sa mga kompaniya ng langis na tiyakin na magiging sapat ang suplay ng mga produktong-petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.