Publiko binalaan sa ‘smishing’ na nag-ugat sa COVID 19 contact tracing form

By Jan Escosio October 06, 2021 - 07:35 AM

Pinag-iingat ng National Privacy Commission (NPC) ang publiko ukol sa ‘smishing’ na sinasabing nag-ugat sa mga personal na impormasyon na ibinahagi sa COVID 19 contact tracing at health declaration forms.

Ang babala ay nag-ugat sa mga ulat na natanggap ng NPC ukol sa ‘smishing incidents’ kung saan nakatanggap ng text message ang mga nagsumbong.

May ‘links’ sa text messages na kapag pinindot ay magbubukas sa isang website na maaring maging daan para makuha ang personal data ng subscriber.

Sinabi ni NPC Comm. Raymund Liboro sa ‘smishing’ ay maaring may pagbubukas ng dummy Facebook account.

Paliwanag pa nito, ito ay maari din magamit sa online shopping at online delivery para maloko ang mga may inaasahan na bagay na binili nila online at hihingiin ang kanilang personal at banking informations.

Hinihikayat ni Liboro ang publiko na suriin mabuti ang mga natatanggap nilang text message mula sa mga numero na wala sa kanilang contact o phonebook.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.