6 naghain ng COC sa pagka-pangulo, 1 sa pagka-pangalawang pangulo at 6 sa pagka-senador

 

Sa ika-limang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC), may anim ang nangangarap na maging pangulo ng bansa, isa ang gustong maging pangalawang-pangulo at anim naman nais maging senador.

Ang mga nais maging pangulo ay sina Ma. Aurora Marcos (Independent); Maria Aurora Marcos (Independent); Arnel David (Independent); Marsden Luyahan (Independent); Leonardo Fernandez (PPP) Valeriano Nocon III (Independent); at Edgar Niez (Independent).

Tanging si Medolino Villanueva, na isa din independent candidate, ang naghain ng COC para sa pagka-pangalawang pangulo.

Ang naghain ng COC sa pagka-senador ay sina  Samuel Hardin (Independent), Lorenzo “Larry” Gadon (KBL), Norberto, Esmeralda (Independent), Orlando Bernardo (Independent), Nur-Ana Sahidula (KPP), Joseph Dy (Independent), at Paul Escolano (Independent).

Samantala, 26 ang naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) para maging sectoral representatives.

Talino at Galing ng Pinoy
Guardians Philippines Inc.
Construction Workers Solidarity
Galing sa Puso
Senior Citizen
Barkadahan
Igorot Warriors International
Akma
Magdalo
Angat Edukasyon PARE
Trabaho
Koop Kampi
4Ps
Maharlika
Lingkod Bayanahian
ACT Teachers
PEACE
A-TEACHER
Barangay Health Workers
Green Force

Angkla
Kapamilya ng Manggagawang Pilipino
Smile

Read more...