Zero casualty sa COVID-19 naitala ngayong araw

Walang nasawi ngayong araw dahil sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health, nanatili sa 38,828 ang bilang ng mga nasawi.

Kasabay nito, aabot lamang sa 9,055 ang nadagdag na bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19.

Ito na ang pinakamababang bilang na naitala sa nakalipas na dalawang buwan.

Sa kabuuan, nasa 2,613,070 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa DOH, ang mababang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 ay dulot ng mababang laboratory output.

Pitong laboratory kasi ang hindi nakapag-sumite ng data sa COVID-19 Document Repository System.

Read more...