Mga miyembro ng gabinete bawal nang dumalo sa pagdinig ng Senado

By Chona Yu October 05, 2021 - 05:28 PM

Pormal nang pinagbawalan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal sa sangay ng ehekutibo na dumalo sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa P8 bilyong halaga ng mga biniling COVID-19 supplies sa kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Executive Secretary Salvador Medialdea na nilagdaan na ng Pangulo ang isang memorandum kahapon, October 4.

Nakasaad sa memo na bawal nang dumalo ang mga opisyal ng ehekutibo sa mga pagdinig ng Senado.

Sa halip na gugulin ang oras sa Senado, pinapo-focus ng Pangulo ang atensyon ng mga opisyal sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

Nakasaad pa sa memo na hindi na in aid of legislation ang ginagawa ng Senado bagkus ginagamit na ito sa pangangampanya ng mga Senador para sa susunod na eleksyon.

Matatandaang hindi na dumalo sa pagdinig kanina si Health Secretary Francisco Duque III.

 

TAGS: bawal, Executive Secretary Salvador Medialdea, memo, Pharmally, Rodrigo Duterte, bawal, Executive Secretary Salvador Medialdea, memo, Pharmally, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.