Bongbong Marcos kakandidatong pangulo ng bansa

Sasabak na sa presidential race sa 2022 national elections si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ginawa ni Marcos ang anunsyo sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City ngayong hapon, Oktubre 5.

Inanunsyo ni Marcos ang pagkandidato sa pagka-pangulo matapos manumpa bilang bagong chairman ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

Matatandaang kumandidatong bise presidente si Marcos noong 2016 pero natalo kay Vice President Leni Robredo.

 

Read more...