Dating Senador Bongbong Marcos nanumpa na bilang chairman ng Partido Federal ng Pilipinas

Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Mismong kay PFP President at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo nanumpa si Marcos sa Mandaluyong City.

Kaagad namang nag-assume si Marcos bilang chairman ng partido matapos manumpa sa PFP.

Kasama ni Marcos ang asawang si Atty.  Louise Araneta-Marcos at mga anak na sina Sandro at Simon.

Ngayong araw ang ikatlong anibersaryo ng PFP bilang isang national political party.

Isa si Marcos sa mga matunog na tatakbong pangulo ng bansa.

Gayunman, hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Marcos kung tuloy ang pagkandidatong pangulo sa 2022 national elections.

 

Read more...