Nais ni pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng bagong set of leaders sa bansa.
Pahayag ito ng Pangulo matapos sabihin na magre-retiro na siya sa pulitika sa 2022 at uurong na sa pagka-bise presidente.
Ayon sa Pangulo, ibinase niya ang kanyang desisyon sa pulso ng taong bayan.
Sinabi pa ng Pangulo na kinakailangan na mag-step up ang mga bagong lider at maipatupad ang mga programa.
Una nang sinamahan ng Pangulo si Senador Bong Go sa paghahain ng kandidatura sa pagka-bise presidente.
MOST READ
LATEST STORIES