Bilang ng mga lugar sa Metro Manila na nasa granualr lockdown nasa 233 na lang
By Chona Yu October 05, 2021 - 10:08 AM
Nabawasan na ang bilang ng mga lugar sa National Capital region na nasa granular lockdown.
Ayon sa Philippine National Police, mula sa 239, nasa 233 na lamang ang naka-granular lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.
Nabatid na ang 233 na lugar ay nasa 148 na barangay sa Metro Manila.
Aabot sa 733 na pulis ang nakakalat sa mga lugar na nasa granular lockdown.
Dalawang kaso nG COVID-19 ang basehan para sa pagpapatupad ng granular lockdown sa isang street o kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.