Serbisyo ng mga bombero, kinilala ni Senador Bong Go

By Chona Yu October 05, 2021 - 10:06 AM
Tinungo ng team ni Senador Christopher “Bong” Go ang Barangay Cembo, sa Makati City, na naapektuhan ng sunog. Namahagi ang outreach team ni Go ng  financial assistance, meals, food packs, vitamins, masks, at face shields sa kabuuang 34 na pamilya sa barangay hall. Namigay din sila sa mga piling residente ng bisikleta na magagamit sa pag-biyahe at computer tablets sa mga bata para sa blended learning. Sa video message, pinasalamatan ng Senador ang mga bombero sa patuloy na pagtupad sa kanilang tungkulin, kasabay ng pagtiyak sa commitment ng pamahalaan sa kanilang kaligtasan, na nakasaad sa bagong batas na Republic Act No. 11589  o  the Bureau of Fire Protection Modernization Act. Ang naturang batas, na ang punong may-akda ay si Go, ay naglalayong palakasin ang firefighting at rescue capabilities ng BFP sa loob ng 10 taon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kanilang manpower, pagbili ng bagong fire equpment, at mag-develop ng  specialized training programs para sa mga bombero. “Ako mismo ay saksi sa hinagpis na nararamdaman ng ating mga kababayan na biktima ng mga sunog. Buwan-buwan, ilang insidente ng sunog ang aking binibisita sa iba’t ibang panig ng bansa upang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nabiktima nito,” sabi ni Go. “Kaya nag-file ako ng bill sa Senado to enhance our fire protection services and hire more personnel who are willing to dedicate their lives to ensure the safety of our communities. Dapat paghandaan natin ang anumang krisis o sakuna. Bukod sa pagiging laging handa, dapat rin maging informed ang mga Pilipino kung papaano maiiwasan ang mga insidente tulad ng sunog,” dagdag pa niya. Bilang Chair ng Senate Committee on Health, nag-alok si Go na tulungan ang sinumang residente na nangangailangan ng atensyong medikal at pinayuhan silang i-avail ang  medical assistance mula sa pamahalaan sa  at pinakamalapit na Malasakit Center. Sa kasalukuyan ay mayroong 141 Malasakit Centers sa buong bansa, at 26 dito ay matatagpuan sa Metro Manila.

TAGS: Bombero, bong go, makati city, malasakit centers, Bombero, bong go, makati city, malasakit centers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.