Facebook, Instagram at WhatsApp balik operasyon na

By Chona Yu October 05, 2021 - 09:52 AM

Balik operasyon na ang Facebook, Instagram at WhatsApp.

Ito ay matapos ang anim na oras na aberya sa mga social media sites matapos ang global outage.

Nagsimulang magka-aberya ang mga nabanggit na social media sites isang araw bago humarap ang isang whistleblower na nag-aakusa na inuna pa ng mga ito ang ganansya at Negosyo kaysa ayusin ang pagtugon sa hate speech at misinformation.

Tinatayang nasa dalawang bilyon ang active users sa Facebook.

Sa Facebook post ni Mark Zuckerberg, chief executive officer ng Facebook, naayos na ang problema.

Humihingi ng pang-unawa si Zuckerberg sa abala.

TAGS: facebook, Instagram, mark zuckerberg, WhatsApp, facebook, Instagram, mark zuckerberg, WhatsApp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.