Inflation bumagal sa 4.8 percent sa buwan ng Setyembre

FILEPHOTO

Bumagal ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa sa buwan ng Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa 4.8 percent lamang ang inflation kumpara sa 4.9 percent na naitala noong Agosto.

Paliwanag ng PSA, ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng transport na may 5.2 percent na inflation.

Sa pagtaya ng pamahalaan, nasa 2 hanggang 4 percent ang inflation ngayong taon.

 

Read more...