Trillanes ipinagtanggol ng Malacañang sa bantang kaso ni Duterte

duterte-trillanes-620x343
Inquirer file photo

Tinuruan ng Malacañang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa tamang interpretasyon ng batas.

Sa harap ito ng pahayag ni Duterte na maaaring sampahan si Senador Antonio Trillanes IV ng kasong treason dahil sa pag-amin sa lihim nitong pakikipag-usap sa China sa usapin ng problema saWest Philippine Sea.

Ipinaliwanag ni Communications Sec. Sonny Coloma kay Duterte na base sa Revised Penal Code ng bansa, ang kasong treason ay maaari lamang isampa sa panahon ng digmaan kung saan sangkot ang Pilipinas.

Kaugnay nito, iginiit ni Coloma na nananatiling nakatutok sa rule-based process ang pamamaraang ginagamit ng bansa para resolbahin ang usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea at walang backdoor negotiations.

Kaya nga aniya humingi ng arbitration sa United Nations (UN) ang Pilipinas alinsunod sa mga patakaran ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

“The actions of Government regarding the settlement of disputes in the West Philippine Sea have focused on a rules-based, approach and not ‘back door negotiations’. Hence, we filed for arbitration under Unclos rules.
Also, under our penal code, the crime (treason) being attributed by the presidential candidate, assuming his position is being correctly represented, may be committed only in times of war where the Philippines is involved”, pahayag pa ni Coloma.

Read more...