Pangulong Duterte haharap na sa imbestigasyon ng ICC

Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa anumang uri ng imbestigasyin kabilang na ang nakabinbing kaso na crimes against humanity sa International Criminal Court. Ayon sa Pangulo, haharapin niya ang lahat ng kaso oras na matapos ang kanyang termino sa 2022. Kinasuhan si Pangulong Duterte sa ICC dahil sa naging madugo na umano ang anti drug war campaign at nalabag na ang karapatang pangtao ng mga drug suspects. Pero hiling ng Pangulo sa mga kalaban at mga magsasampa ng kaso, huwag magsinungaling at huwag gumawa ng mga pekeng ebidensya. Sinabi pa ng Pangulo na hihintayin niya ang mga naghahayag na sasampahan siya ng kaso at paghahandaan ang depensa. Pakiusap pa ng Pangulo, huwag mag imbento ng istorya lalot huwag naman sanang isama sa kaso laban sa kanya ang mga nasawi dahil lamang sa sakit na malaria. Kalokohan na kasi aniya kung isasama pa ito sa asunto. Hindi na aniya hustisya ang hanap ng mga ito. Matatandaang makailang beses nang sinabi ng Pangulo na walang hurisdikyon ang ICC sa Pilipinas dahil gumagana naman ang mga korte sa bansa.

Read more...