SUV naaksidente sa Kalinga may kargang P2.4M halaga ng marijuana

By Jan Escosio October 05, 2021 - 08:57 AM

Nadiskubre ng mga pulis ang 20 bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng higit P2.4 milyon sa isang sports utility vehicle (SUV) na naaksidente sa Tabuk, Kalinga.

Ayon kay Kalinga Provincial Police director, Colonel Davy Limmong, inabandona ang Toyota Fortuner (GAF 07) sa Bado Dangwa nang makabanggaan nito ang isang motorsiklo pasado alas-2 ng hapon noong araw ng Linggo.

Aniya ang mga rumespondeng tauhan ng Traffic Management Unit ng Tabuk Police Station ang nakadiskubre ng mga marijuana nang siyasatin nila ang sasakyan.

Nabatid na ang mga marijuana ay nakabalot sa diyaryo at itinago sa ilalim ng mga upuan.

Nadiskubre din sa sasakyan ang isang cellphone, ATM card at ang rehistro ng sasakyan na nakapangalan sa isang Fernando Maccay, residente ng Barangay Buscalan sa bayan ng Tinglayan.

TAGS: Colonel Davy Limmong, Kalinga, Marijuana, suv, Colonel Davy Limmong, Kalinga, Marijuana, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.