Mga opisyal ng Pharmally pinakakasuhan ni Pangulong Duterte sa mga Senador

By Chona Yu October 05, 2021 - 08:51 AM

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador na maghain ng kaso laban sa mga opisyal ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation kung mayroong ebidensya kaugnay sa umanoý overpriced na pagbilil ng COVID-19 supplies.

Ayon sa Pangulo, hindi sana gamitin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee para sa witch hunting at magamit sa eleksyon.

Paliwanag pa ng Pangulo, hindi naman niya dini-depensahan ang mga opisyal ng Pharmally.

Ang ayaw lang ng Pangulo ay nauubos ang oras ng mga miyembro ng gabinete sa kakadalo sa imbestigasyon ng Senado.

Sinabi pa ng Pangulo na nagkulang ng respeto ang Senado sa ehekutibo.

Pinaglalaruan lang aniya ng Senado ang mga miyembro ng gabinete.

Pinuntirya din ng Pangulo si Senador Richard Gordon na chairman ng komite at sinabing hindi siya Panginoon at hindi maaring umaktong Panginoon.

 

 

TAGS: Pangulong Rodrigo Duterte, Pharmally, witch hunting, Pangulong Rodrigo Duterte, Pharmally, witch hunting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.