Anim na lugar nasa Signal Number 1 dahil sa Tropical Depression Lannie
By Chona Yu October 05, 2021 - 08:27 AM
Nasa Cuyo West Pass na ang Tropical Depression Lannie.
Ayon sa Pagasa kumikilos ang Tropical Depression Lannie sa Calamian Islands.
Taglay ng Tropical Depression Lannie ang hangin na 45 kilometers per hour at pagbugso ng 55 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 sa
LUZON
- southwestern portion ng Romblon (Odiongan, Looc, Alcantara, Ferrol, Santa Fe, San Jose)
- southern portion ng Oriental Mindoro (Roxas, Mansalay, Bulalacao)
- southern portion ng Occidental Mindoro (Calintaan, Rizal, San Jose, Magsaysay)
- northern portion ng Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran, Araceli) including Calamian and Cuyo Islands.
VISAYAS
- Antique
- western portion ng Aklan (Madalag, Malinao, Ibajay, Nabas, Malay, Buruanga)
Ayon sa Pagasa, inaasahang magla-landfall muli ang Depression Lannie sa bisinidad ng northern mainland Palawan o Calamian Islands bago magtungo sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.