12,000 kabataan sa Muntinlupa City nagpa-rehistro na para sa COVID 19 vaccine
Sa inaasahang pagsisimula ng pagbakuna sa mga menor-de-edad ngayon buwan, 12,096 ng may edad 12 hanggang 17 ang nagparehistro sa COVID 19 vaccination program sa Muntinlupa City.
Ang bilang ay naitala hanggang alas-8 kaninang umaga sa Muntinlupa City COVID-19 Vaccination Program (MunCoVac) at ito ay 22 porsiyento ng kabuuang 55,391 menor de edad sa lungsod.
Sa bilang, sa Barangay Putatan may pinakamaraming menor-de-edad na nagprehistro sa 2,114, Barangay Poblacion (1,618), Barangay Alabang (1,297), Barangay Cupang (1,903), Barangay Sucat (713), Barangay Bayanan (652), Barangay Ayala Alabang (547) at Barangay Buli (199).
Nabatid na may mga menor-de-edad na hindi residente ng lungsod ang nagparehistro at 2,273 ang kanilang bilang.
Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) na maiturok sa mga menor-de-edad ang mga bakuna na gawa ng Pfizer-BioNtech at Moderna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.