Kasabay nito, sinabi ng PAGASA na sa loob ng 11 oras ay walong beses nang tumama sa kalupaan ang bagyo, una ay alas-4:30 ng madaling araw sa Socorro, Surigao del Norte at ang huli ay sa Guinhulngan, Negros Oriental kaninang alas-3:30 ng hapon.
Sa 5pm update ng PAGASA, nanatili sa 45 kilometro kada oras ang lakas ng hangin ng bagyo, gayundin ang bugso na umaabot sa 55 kilometro kada oras.
Bahagya naman itong bumilis sa 25 kilometro kada oras.
Samantala, nakataas ang Tropical Cycle Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar;
- Timog bahagi ng Masbate
- Timog bahagi ng Romblon
- Timog bahagi ng Oriental Mindoro
- Timog bahagi ng Occidental Mindoro
- Hilagang bahagi ng Palawan kasama na ang Calamian at Cuyo Islands
- Capiz
- Aklan
- Antique
- Iloilo
- Guimaras
- Negros Occidental
- Hilaga at Gitnang bahagi ng Negros Oriental, Cebu at Bohol
Makakaranas naman ng hanggang may kalakasan na pag-ulan sa Western Visayas at Mimaropa hanggang bukas.
MOST READ
LATEST STORIES