Malakanyang walang maibigay na assurance sa mga nagdududa sa pagre-retiro ni Pangulong Duterte sa pulitika

By Chona Yu October 04, 2021 - 02:58 PM

Walang maibigay na katiyakan ang Palasyo ng Malakanyang sa mga nagdududa na magbabago pa ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-retiro na sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino sa 2022.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, para sa mga nagdududa sa pahayag ng Pangulo, mas makabubuting hintayin ang October 8 na huling araw ng filing ngc etificate of candidacy o November 15 na huling araw ng substitution.

Bukod dito, sinabi pa ni Roque na naghain na rin ng certificate of candidacy si Senador Bong Go para tumakbong bise presidente.

“Eh hindi na po makakatakbo si Presidente sa posisyon ng Vice President dahil hindi naman niya pupuwede labanan si Senator Bong Go. At alam naman po natin hindi na siya pupuwedeng maging presidente muli,” pahayag ni Roque.

Hindi naman aniyang maaring labanan ng Pangulo ang kanyang matalik na kaibigan na si Go.

Matatandaan na noong 2016 presidential elections, sinabi ng Pangulo na hindi siya tatakbong pangulo ng bansa subalit kalaunan ay binawi niya ito.

 

TAGS: Harry Roque, retiro, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, Harry Roque, retiro, Rodrigo Duterte, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.