Kandidatura sa pagkapangulo ni Manila Mayor Isko Moreno, suportado ng mga health workers

By Chona Yu October 04, 2021 - 11:56 AM

Kasabay ng paghahain ng kandidatura sa pagka-pangulo, nagpahayag na rin ng suporta ang grupo ng mga health workers kay Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon kay Edison Eugenio ang presidente ng Buhay Kalinga, ang walang tulugan na uri ng serbisyo ni Mayor Isko ang naging basehan ng kanilang hanay para suportahan ang kandidatura nito.

Sinabi pa  ni Eugenio na ang pagkalinga ni Mayor Isko sa health workers sa panahon ng pandemya ang lalo pang nagpalakas sa kanilang hanay para ibigay ang boto sa alkalde.

Sa panig ni medical student Rochelle Christine Eugenio, ang pahayag ni Mayor Isko na prayoridad ang mga health workers sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang naging susi para suportahan ang kandidatura nito.

Lalo pa aniyang sumaludo ang mga health workers nang gawing prayoridad ni Mayor Isko ang pagbili ng mga gamot kontra COVID-19, ang pagpapatayo ng karagdagang ospital, pag-aalok ng libreng sakay, libreng face masks at iba pa.

sa panig ni Mik rivera, ang lead convenor ng Pinoy ako, Isko tayo, lahat naman ng kandidato sa pagkapangulo ay kwalipikado.

Ang nagpaangat lang aniya kay Mayor Isko sa mga kalaban ay ang bilis kilos ng alkalde.

Nagpapasalamat si Rivera sa mga health workers sa pagsama sa kanilang grupo sa pagsuporta kay Mayor Isko

Ipagdarasal aniya ng kanilang hanay na maging maayos ang eleksyon sa susunod na taon.

Umaasa si Rivera na mamumulat ang taong bayan na sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko, nagkaroon ng isang gobyerno na may malasakit, sinsiridad, kakayanan at hindi patulog-tulog sa pansitan.

Makita rin aniya sana ng mga botante ang bilos kilos ni Mayor Isko sa mga suliranin sa lipunan.

TAGS: Edison Eugenio, health workers, Manila Mayor Isko Moreno, Mik Rivera, Pinoy Ako Isko Tayo, Edison Eugenio, health workers, Manila Mayor Isko Moreno, Mik Rivera, Pinoy Ako Isko Tayo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.