Open-close lockdown nagpapahirap sa mga naghahanap ng trabaho, ayon kay Sen. Francis Pangilinan

By Jan Escosio October 04, 2021 - 08:54 AM

“Maayos at hindi corrupt na Covid response ang susi sa magandang buhay sa lahat ng mga Pilipino, lalo na sa mga new graduates.”

 

Iyan ang sinabi ni Sen. Francis Pangilinan sa pagsasabing maraming bagong graduates ang nahihirapang makahanap ng trabaho.

 

Ayon pa kay Pangilinan dahil sa open-close lockdown ay nagsasara din ang mga oportunidad para sa mga naghahanap ng trabaho kayat nadagdagan pa ang bilang ng mga walang trabaho noong Agosto.

 

Sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 8.1 porsiyento na may katumbas na 3.88 milyong indibiduwal ang walang trabaho sa bansa noong Agosto.

 

Ibinahagi na rin ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Karl Chua na ang paglikha ng mga trabajo ay nakadepende sa quarantine restrictions.

 

Sa Metro Manila 23.3 milyong manggagawa ang naapektuhan nang pairalin ang general community quarantine with heightened restrictions.

 

“Kahit hindi pa pandemya ay mahirap na maghanap ng trabaho kapag ikaw ay fresh graduate. Mas lalo na ngayon na mataas ang unemployment rate. This is a leadership issue. Kapag natugunan ng liderato ang Covid ay magbubukas ulit ang mga negosyo at mga trabaho,” sabi pa ni Pangilinan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.