Umabot na sa kabuuang 4,795,274 ang namatay sa buong mundo dahil sa COVID 19 simula nang magsimulang kumalat ang sakit sa China noong Disyembre 2019.
Pinakamaraming naitalang namatay sa sakit sa US sa bilang 700,982, kasunod ng Brazil, kung saan 597,723 na ang namatay at pangatlo ang 448,817 na naitala sa India.
Bumuo sa Top 5 ang 278,592 sa Mexico at 209,918 naman sa Russia.
Ayon naman sa Johns Hopkins University ang bilang ng nasawi sa US ay halos katumbas na ng populasyon sa Washington, ang kapitolyo ng bansa.
Nabatid na higit 1,000 ang namamatay sa US kada araw dahil sa sakit.
Base naman sa Centers for Disease Control and Prevention, 55.7 porsiyento na ng populasyon sa US ang fully vaccinated.
Malaking bahagi pa rin ng populasyon ang ayaw magpabakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.