Low pressure area sa Mindanao naging bagyo, tinawag na ‘Lannie’; 23 lugar nasa Signal No.1
Naging tropical depression na ang low pressure area na namataan silangan ng Surigao del Sur, ayon sa PAGASA, at tinawag itong bagyong ‘Lannie.’
Kaninang alas-4 ng madaling araw, ang sentro ng bagyo ay namataan sa distansiyang 100 kilometro silangan ng Surigao del Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa pinakamalakas na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna ay bugso na aabot ng hanggang 55 kilometro kada oras. Kumikilos ito sa direksyon na hilaga-kanluran-hilaga sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Itinaas na ang Tropical Cycle Wind Signal No. 1 sa timog bahagi ng Masbate, timog bahagi ng Romblon, timog bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro at hilagang bahagi ng Palawan.
Gayundin, sa Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Capiz, Aklan, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, hilaga at gitnang bahagi ng Negros Oriental Cebu, at Bohol.
Maging sa Surigao del Norte, Dinagat Islands, hilagang bahagi ng Agusan del Norte, hilagang bahagi ng Agusan del Sur at hilagang bahagi ng Surigao del Sur.
Ayon sa PAGASA asahan na ang may kalakasan na pag-ulan sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, CALABARZON, at Caraga Region.
Maaring maging maulan din sa Manila, Bulacan, Bataan, at sa natitirang bahagi ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.