4Ps beneficiaries hiniling ni Sen. Leila de Lima sa DSWD na dagdagan

Hinikayat ni Senator Leila de Lima ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tumanggap ng mga karagdagang benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

Ito ay bunga ng matinding epekto ng COVID 19 pandemic sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.

 

Kaugnay nito, inihain ni de Lima ang Senate Resolution No 894 na layon suspindihin ang pag-‘graduate’ ng mga benipesaryo ng programa ngayong nagpapatuloy ang pandemya.

 

“It is imperative for the government to provide and deliver social welfare assistance among its existing programs in the most expeditious way possible to help the poorest and marginalized households who are barely surviving the debilitating impact of this pandemic,” sabi pa ni de Lima, na siyang nagsulong ng 4PS sa Senado.

 

Paliwanag nito nakasaad sa Section 4 ng 4PS Act na hanggang pitong taon maaring maging bahagi ng programa ang mga benepisaryo at maaring irekomenda ng National Advisory Council (NAC) na dagdagan ang mga bilang ng mga nakikinabang sa programa depende sa sitwasyon.

 

Giit niya nararapat lamang na ikunsidera ng DSWD ang pagdaragdaga ng mga kuwalipikadong benepisaryo lalo na ang mga lubhang apektado ng pandemya

 

“Sa ganito kahalagang programa na nagkakaloob ng tunay na benepisyo sa mahihirap nating kababayan nararapat mailaan ang pondo sa gitna ng pandemya, hindi sa mga kumpanyang puro tongpats na hindi lang nagkakait ng serbisyo, kundi naglalagay pa sa buhay ng Pilipino sa higit na peligro,” dugtong pa ng senadora.

 

Read more...