Mayor Sara Duterte naghain ng COC bilang mayor ng Davao City

Naghain ng certificate of candidacy sa pagka-mayor si Davao City Mayor Sara Duterte.

Nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections si Duterte bandang 4:15 ng hapon.

Ito na ang ikatlo at huling termino ni Duterte bilang mayor ng Davao.

Ka-tandem ni Duterte ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian Duterte.

Matatandaang ilang grupo na ang nanawagan kay Duterte na tumakbong Pangulo ng bansa.

 

Read more...