Senador Bong Go namahagi ng ayuda sa Samar

By Chona Yu October 02, 2021 - 10:42 AM
Namahagi ang team ni Senador Christopher “Bong” Go ng ayuda sa essential workers sa Calbayog City at Pinabacdao, Samar, bilang bahagi commitment ng mambabatas na tulungang makabangon ang ekonomiya sa gitna ng pandemya sa COVID-19. Nagsagawa ang team ni Go ng dalawang relief operations sa  Barangay 1 Covered Court sa Pinabacdao at Joggers Covered Court sa Calbayog City, kung saan namahagi sila ng meals, masks, face shields, at vitamins sa kabuuang 1,500 na benepisyaryo na binubuo ng transport workers at market vendors. Namigay din sila ng mga bagong pares ng sapatos, computer tablets, at bisikleta sa ilang manggagawa. Bilang pinuno ng Senate Committee on Health and Demography, hinimok ni Go ang mga benepisyaryo na magpabakuna para sa kanilang proteksyon laban sa COVID-19. Pinayuhan din nito ang publiko na ipagpatuloy ang pag-iingat, gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng masks at face shields kapag maraming tao,  social distance, at iwasang lumabas-labas kung hindi rin lang importante ang pupuntahan upang mapigilan ang pagkalat ng virus. Bilang bahagi ng kanyang pangako na mabigyan ang mga Filipino ng mas madaling access sa quality health care services, pinayuhan niya ang mga mayroong medical concerns na  magtungo sa Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City kung saan mayroong Malasakit Center. Tiniyak din ni Go, na siyang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, ang suporta sa ilang infrastructure development initiatives, kabilang na ang pagtatayo ng multi-purpose building sa Catbalogan City at konstruksyon ng  farm-to-market road sa Pinabacdao, upang makalikha ng mas maraming economic opportunities at mapagaan ang pamumuhay ng mga residente. Sinuportahan din ng mambabatas ang iba pang mga proyekto sa Samar, gaya ng rehabilitasyon ng farm-to-market roads sa Basey, Marabut, Talalora, at Tarangnan; pagtatayo ng public market sa Guiuan, San Jorge, Talalora, at Tarangnan; pagtatayo ng evacuation centers sa Sta. Margarita, at Zumarraga; pagtatayo ng seawall sa Llorente at Sto Niño; at pagbili ng dump truck sa Jiabong

TAGS: Samar, Senador Bong Go, Samar, Senador Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.