Binuksan ni Department Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang 8.72-kilometer San Fernando-San Juan Section ng Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road sa lalawigan ng La Union, araw ng Biyernes (October 1).
Pinangunahan ng kalihim ang ceremonial drive-through, kasama si La Union 1st District Congressman Pablo Ortega at DPWH Region 1 Director Ronnel Tan, ang pagbubukas ng bagong Bypass Road na layong magpaluwag ang Manila North Road sa San Fernando City at San Juan.
“Motorists can now use the 8.72-kilometer San Fernando-San Juan Section of the Bauang-San Fernando-San Juan By-Pass Road. This completed segment traversing rice fields will be helpful to the locals, especially famers in the area,” ani Villar.
Samantla, pinuri naman ng kalihim ang accomplishments ng DPWH Region 1 na nakapag-ambag ng malaki sa pag-unlad ng Ilocos Region.
“I’m really thankful for DPWH Region 1 under the outstanding leadership of Director Tan. May his demonstrated ability, kind of work ethic, and determination inspires others to go above in performance,” dagdag ni Villar.
Sa project briefing, sinabi ni Director Tan na ang San Fernando-San Juan Section mula Jct San Fernando-Bagulin Road, Camansi, San Fernando hanggang Jct Manila North Road (MNR), Taboc, San Juan ay sumasakop sa road opening, portland cement concrete paving (PCCP), drainage, shoulder, slope protection works, provisions of pavement markings at signage.
Kabilang din sa proyekto ang pagtatayo ng 4-lane Talogtog Bridge na may habang 46.70 lineal meters at pagtatayo ng Abut Bridge na may habang 21.20 lineal meters.
Tinatayang makikinabang dito ang 32,000 motorista araw-araw at magpapaluwag sa MNR sa bahagi ng San Fernando City at San Juan.
Mapapaiksi rin ang travel time at magiging 15 minuto na lamang ang biyahe mula sa dating 30 minuto.
Naglaan ang kagawaran ng kabuuang P810 million para sa naturang proyekto.
Sa ngayon, ginagawa na ang bahagi ng San Juan at Bauang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.