Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong gawang Grand Mosque sa Marawi City sa October 17.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na hindi siya mag-aatubiling bumalik ng MArawi.
Katunayan, sinabi ng Pangulo na nung nagana pang giyera sa Marawi noong 2017nagtungo siya roon.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang pagpupulong ng Task Force Bangon Marawi sa Malakanyang.
Ibinida kasi ni TFBM chairperson at Housing Secretary Eduardo del Rosario na malaki na ang ipinagbago ng Marawi ngayon simula nang lusubin ng teroristang ISIS Maute group.
Ayon sa Pangulo, tiyak na magiging masaya ang mga Maranao kung dadalo siya sa inagurasyon.
Nabatid na aabot sa 30 infrastructure projects ang natapos nang gawin sa Marawi City.
October 17, 2017 nang ideklara ni Pangulong Duterte na malaya na sa kamay ng teroristang Maute group ang Marawi City.