Chiz Escudero naghain na ng COC para tumakbo bilang senador sa 2022 elections
Naghain na si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero ng kaniyang certificate of candidacy (COC) upang tumakbo bilang senador sa 2022 National Elections.
Hindi personal na nakapaghain si Escudero at sa halip, tumayo bilang representante ang kaniyang election lawyer na si George Garcia sa Harbor Garden Tent ng Sofitel hotel sa Pasay bandang 8:12 ng umaga.
“Ako po ay kakandidato para madagdag iyong mga pwede ko na maiambag sa muling pagbangon ng bansa kasi iyong susunod na magiging presidente ay sobrang laki ng problema na kanyang haharapin,” saad ni Escudero.
Batay sa inilabas na pahayag, sinabi nito na itutulak nito ang lehislatura para mapalakas ang local government units (LGUs), “which devolved powers under the law, particularly in this time of the pandemic, have been greatly undermined by decisions singularly emanating from the national government.”
Bago naging gobernador ng Sorsogon, nagsilbi si Escudero bilang senador mula 2007 hanggng 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.