Julian Ongpin sinagot ang drug case sa DOJ

By Jan Escosio October 01, 2021 - 02:24 PM

Humarap si Julian Roberto Ongpin sa panel of prosecutors sa Department of Justice para sa illegal drugs case na isinampa laban sa kanya ng pambansang-pulisya.

Sinabi ni Prosecutor General Benedicto Malcontento isinumite ni Ongpin ang kanyang counter affidavit sa kasong possession of illegal drugs.

Itinuturing na person of interest si Ongpin sa pagkamatay ni Filipina artist Bree Jonson.

Magugunita na natagpuang walang malay si Jonson sa hotel room nil ani Ongpin sa San Juan, La Union noong madaling araw ng Setyembre 18 at idineklara siyang dead on arrival sa isang ospital.

Sa kuwarto ng dalawa, nakadiskubre ang pulisya ng 12.6 gramo ng cocaine. Kapwa nagposotibo din sa cocaine sina Ongpin at Jonson.

Nasampahan na ng kasong possession of illegal drugs si Ongpin sa La Union Provincial Prosecutors Office, ngunit ipinag-utos ang pansamantalang pagpapalaya sa kanya para makapag-imbestiga pa ang pulisya.

Anak si Ongpin ni dating Trade Sec. Roberto Ongpin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.