Reelectionist Sen. Risa Hontiveros naghain ng kanyang COC

Inihain na ni Senator Risa Hontiveros ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagtakabo niya muli sa pagka-senador.

 

Ang 55-anyos na senadora ang national chairperson ng Akbayan Partylist.

 

Aniya umaasa siya na kahit marami pa ang oposisyon, magkakaisa pa rin ang mga ito sa panahon ng kampanya at makabuo ng isang ‘united opposition.’

 

Bakit? Para wakasan na ang Dutertismo. Para i-ahon na talaga sa isang propisyonal at epektibong paraan ang ating bansa sa pandemya at i-ahon ang ating mga kababayan sa resesyong ito,” sabi pa nito.

 

Ilan lang sa mga isinulong niya sa Senado ay ang Philippine Mental Health Law, Expanded Maternity Leave Law, Universal Healthcare Law, Safe Streets and Public Spaces Law, at ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program Law.

 

Anim na taon din siyang kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Anakbayan, mula 2004 hanggang 2010.

Read more...