Vico Sotto tatakbo muli sa pagka-mayor ng Pasig City

VICO SOTTO FACEBOOK PHOTO

Sa unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy hindi na nagpahuli si Pasig City Mayor Vico Sotto.

 

“Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, di naman kailangan ng drama at suspense. Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho,” ang post ng alkalde sa kanyang Facebook account.

 

Kasama niya sa paghahain ng kanyang COC ang kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes.

 

Sinabi nito na sa kanyang unang termino, P1 bilyon kada taon ang natipid nila sa pagbili ng mga pangangailangan ng pamahalaang panglungsod at mga residente ng lungsod, gayundin sa mga proyekto.

 

Ngunit  aminado si Sotto na dahil sa pandemya maraming proyekto ang naantala at nabanggit na  siyam na buwan lang siyang nakapagsilbi sa normal na sitwasyon.

 

“Kaya sa susunod na term, magtulungan tayo para bawiin ang oras na ninakaw sa atin ng covid-19,” dagdag pa niya.

Read more...