PNP, AFP inutusan na huwag arestuhin ang mga hindi sisipot sa Senate hearings

By Chona Yu October 01, 2021 - 10:58 AM

Inutusan ni Pangulong Duterte ang mga pulis at sundalo na huwag arestuhin ang sinoman na hindi dadalo sa mga pagdinig sa Senado kaugnay sa kontrobersyal na government – Pharmally Pharmaceutical multi-billion pesos deal.

“As commander-in-chief of all uniformed personnel and government I am ordering the police and the military to stay out of this trouble. Huwag kayong sumali, huwag kayong sumunod kasi may krisis na tayo,” ang bilin ni Pangulong Duterte sa PNP at AFP.

Katuwiran ng Punong Ehekutibo ginagamit lamang ni Sen. Richard Gordon ang kanyang kapangyarihan sa maling paraan at sablay na ang mga ginagawa nito sa pag-iimbestiga ng pinamumunuan niyang Blue Ribbon Committee.

Nitong mga huling araw ay nagpatutsadahan sina Pangulong Duterte at Gordon dahil sa mga nabubunyag na hinihinalang anomalya sa mga kontratang ibinigay ng gobyerno sa Pharmally.

Sa kanyang Talk to the People kagabi muling binanatan ni Pangulong Duterte si Gordon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.