Kamara umabot sa deadline sa pagpasa sa P5.024T 2022 national budget

By Jan Escosio October 01, 2021 - 10:26 AM

Nakapasa na sa Mababang Kapulungan ang 2022 General Appropriations Act (GAA) kagabi.

Kasabay nito, ikinatuwa ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagkakalusot sa third and final reading ng P5.024 trillion proposed 2022 national budget matapos na rin na sertipikahan ito ni Pangulong Duterte na ‘urgent measure.’

“The swift and smooth passage of the proposed 2022 national budget shows our collective commitment and resolve to help our kababayan and economy to build back better and hasten economic recovery through the effective delivery of government services,” sabi ni Velasco.

Aniya ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay tutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Kabuuang 218 mambabatas ang pumabor sa panukalang pambansang pondo, samantalang anim naman ang tumutol.

Bumuo ng isang komite para pag-aralan ang mga pag-amyenda na nais ng ilang mambabatas sa House Bill 10153.

Bubuuin ang komite nina Majority Leader Martin Romualdez, Reps. Eric Yap, Joey Salceda, Stella Quimbo at Edcel Lagman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.