P1.28B halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA sa Cavite

PDEA PHOTO

Kasabay nang pagsikat ng araw ngayon umaga, ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang buy-bust operation sa Bacoor City sa Cavite.

Base sa paunang impormasyon mula kay PDEA Dir. Derrick Carreon, aabot sa 149 kilo ng shabu ang kanilang nakumpiska at nagkakahalaga ito ng higit P1.28 bilyon.

Aniya isinagawa ang operasyon  sa B16 L9 Manager Drive sa Barangay Molino 3.

Nagresulta din ang operasyon sa pag-aresto kina Jorlan San Jose, Joseph Maurin, at Joan Lumanog, pawang nga tubong Talatag, Bukidnon.

Mahaharap sila sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...