MMDA spokesperson Celine Pialago nag-resign

Simula ngayon araw hindi na tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  si Assistant Secretary Celine Pialago.

Nagbitiw sa puwesto si Pialago dahil kakandidato siya sa 2022 elections bilang nominado ng isang partylist group.

“I will run as a representative for the Malasakit Movement Partylist. Under my banner, I will work for standard benefits of barangay representatives, kagawads, tanod frontliners and barangay health workers,” aniya.

Unang nanungkulan si Pialago sa administrasyong-Duterte bilang media relations officer sa DILG sa ilalim ni dating Sec. Mike Sueno.

Makalipas ang ilang buwan, itinalaga na siyang tagapagsalita ng MMDA at nagsilbi kina dating MMDA Chairman Oscar Orbos, sa yumaong Danilo Lim at ngayon Benhur Abalos.

Read more...