San Miguel, Magnolia umabante sa semis ng PBA Philippine Cup

By Jan Escosio September 30, 2021 - 08:25 PM

Kapwa winalis ng San Miguel at Magnolia ang kanilang hiwalay na quarterfinals series sa 2021 PBA Philippine Cup.

Muling tinalo ng San Miguel ang NorthPort, 100 – 95, sa Game 2 ng kanilang best-of-three series sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Pinangunahan ni CJ Perez ang Beermen sa kanyang 21 puntos, samantalang nag-ambag naman ng 17 puntos si Moala Tautuaa.

Gumawa ng 27 puntos at sumungkit ng 12 rebounds si Greg Slaughter para sa Batang Pier.

Makakaharap ng San Miguel ang TNT Tropang Giga sa best-of-seven semifinals.

Sa ikalawang laro, nagwagi ang Magnolia kontra sa Rain or Shine, 96 -86.

Nagpakalat si Paul Lee ng 24 puntos, samantalang 20 puntos naman ang ambag ni Calvin Abueva para sa Magnolia.

Nakagawa naman ng 16 puntos si James Yap para sa Elastopainters.

Hihintayin pa ng Magnolia ang magiging resulta ng do-or-die game sa pagitan ng Meralco at NLEX para sa kanilang makakaharap sa semifinals.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.