Muling nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (Bucor) sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.
Sa ika-31 Oplan Galugad, sinuyod naman ang Quadrant 4 at 2, partikular sa Building 13 kung saan nakasabat na naman ng mga electronic gadgets at appliances tulad ng TV cellphone, DVD players, at mga chargers.
Nakasabat din ng mga patalim, mountain bike, mga mamahaling alak, mga sisiw at mga drug paraphernalia.
Sa balwarte naman ng “Batang Mindanao” ay nakakumpiska ng isang air conditioner.
Nakatakdang isailalim sa inventory ng Bucor ang lahat ng nasabat na mga bawal na gamit./ Erwin Aguilon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.