Alert level status ng Metro Manila ipinasakamay na sa DOH

By Jan Escosio September 30, 2021 - 08:17 PM

 

Itinuro na ng Metro Manila Council (MMC) ang Department of Health (DOH) sa pagpapasya sa magiging alert status ng kapitolyong rehiyon ng bansa.

Sa ipinalabas ng MMDA na pahayag ni Chairman Benhur Abalos sinabi nito na bahala na ang DOH na magpasya  dahil ito naman ang ahensiya na tunay na nakakaalam ng sitwasyon sa bansa.

Kasama na rin sa pagpapasya ang paggamit na ng anti-gen test sa halip na RT-PCR rest na hindi pa naisasama ang resulta sa daily bulletin.

Sinabi ni Abalos na bagamat umaasa ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila na ibaba ang ‘alert level status,’ nasa pagpapasya pa rin ng mga kinauukulan ang lahat.

Dagdag pa ni Abalos ang pangunahing alahanin naman ay ang kaligtasan at kalusugan ng mamamayan kasabay nang pagpapasigla sa ekonomiya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.