BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 2.54-M na

Mahigit 14,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (September 30), pumalo na sa 2,549,966 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 138,294 o 5.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 14,286 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

77.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 15.8 porsyento ang asymptomatic; 3.72 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 0.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 130 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 38,294 o 1.50 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 8,268 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,373,378 o 93.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...