NCRPO, nag-inspeksyon sa bahagi ng Sofitel Hotel para sa COC filing

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Nagsagawa ng inspeksyon ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa loob at labas ng Tent City sa Sofitel Hotel sa Pasay City para sa filing ng certificate of candidacy na magsisimula na bukas.

Ayon kay NCRPO director Major General Vicente Danao, 3,000 na pulis ang ipakakalat sa lugar.

Sumailalim na aniya sa swab test ang lahat ng mga pulis at puro negatibo ang resulta.

Magpapatupad aniya ng ‘no fly zone’ at ‘no fishing zone’ sa paligid ng Sofitel Hotel simula 12:00, Biyernes ng hatinggabi (October 1), hanggang sa 12:01 ng hatingabi ng October 9.

Inirerekomenda rin ni Danao sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na suspindehin muna ang ‘permit to carry firearms outside residence’ sa parehong panahon para masigurong magiging maayos ang paghahain ng kandidatura ng mga kakandidato sa 2022 national elections.

Sinabi pa ni Danao na sa ngayon, maayos ang preparasyon ng kanilang hanay para sa paglalatag ng seguridad.

Nagsagawa aniya kanina ng simulation exercise ang mga pulis para ipatupad ang maximum tolereance sakaling may mag rally.

Read more...