LGUs puwedeng gumawa ng ordinansa para sa pagpababakuna ng kanilang mamamayan

By Jan Escosio September 30, 2021 - 12:25 PM

 

Gamit ang kanilang police power, ang mga lokal na pamahalaan ay maaring magpasa ng ordinansa para mapilit ang kanilang mamamayan na magpaturok ng COVID 19 vaccines.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra at ibinigay pa niyang halimbawa ang ordinansa na nagbabawal sa pagkakaroon ng internet shop malapit sa mga eskuwelahan.

Ito aniya ay halimbawa ng paggamit ng police power ng LGUs.

Paliwanag niya kahit walang pambansang batas ay maari nang magamit ng LGUs ang ordinansa para pilitin ang kanilang mamamayan na magpabakuna.

“Like all other laws and ordinances invoking police power, it may be challenged in court by anyone on the issue of reasonableness, among others,” sabi pa ng kalihim.

Kahapon sinabi ni Guevarra na kailangan may batas para mapilit ang isang indibiduwal na magpaturok ng COVID 19 vaccine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.